Lumihis na sa bansa ang dalawang bagyo na namataan sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Sa report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Adimnistration (PAGASA), unti-unti nang lumalayo sa Pilipinas ang dalawang bagyo.

Ang unang tropical storm na may international name na ‘Meari’ ay huling namataan sa layong 1,780 kilometro silangan ng Central Luzon, habang ang isa pa ay huling namataan sa 2,225 kilometro ng silangan ng North Luzon at kumikilos pahilaga-silangan.

Gayunman, nagbabala pa rin kahapon ang PAGASA sa mga residente sa ilang lugar sa Luzon at Visayas sa posibilidad ng baha at landslide bunsod ng namataang low pressure area (LPA) sa may hilagang Samar.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ng PAGASA na kabilang sa mga pinag-iingat sa malakas na ulan at thunderstorms ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon), Bicol Region, Western at Eastern Visayas, Mindoro, Marinduque, at Romblon. (Rommel P. Tabbad)