Nobyembre 4, 1978 nang makopo ng pop-country recording star na si Anne Murray ang No. 1 spot sa Billboard Hot 100 sa pamamagitan ng sentimental country-tinged ballad, “You Needed Me,” ang kanyang biggest hit sa kanyang career. Nakamit ni Murray, ipinanganak at lumaki sa Nova Scotia, Canada, ang tagumpay sa kabila ng kasikatan ng disco noong panahong iyon.

Isinulat ni Randy Goodrum at iprinodyus ni Jim Ed Norman, naging big hit din ang “You Needed Me” sa Billboard Country Songs chart, at naging No. 4. Sa kasagsagan ng kasikatan nito, sinundan pa ito ng: “I Just Fall In Love Again”, na naging No. 1 sa Country Songs chart; The Monkees’ “Daydream Believer,” na naging No. 12 sa pop chart noong 1980; at ang “Now And Forever (You And Me)” (No.1, Country Songs, 1986).

Sa kabuuan, umabot sa 9 ang No. 1 hits ni Murray sa country chart.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer