HINIMOK ng United Nations Environment Program (UNEP), sa panibagong report, ang mayayamang bansa na gumawa ng “essential payments” sa mga papaunlad na bansa kung saan matatagpuan ang 90 porsiyento ng mangrove forest sa mundo.

Bakit? Dahil ang mga mangrove forest ay may makatutulong upang maiwasan ang pagkasira ng ecosystem ng mundo. Mas nakaka-absorb ang mga mangrove ng carbon pollutants kumpara sa terrestrial forests.

Sa katunayan, ang mga mauunlad na bansa ay may malaking responsibilidad sa climate change na nararanasan sa buong mundo. Hinihikayat ang mga mauunlad na bansa at papaunlad na bansa na magtulungan sa pagprotekta at pagpapalawak sa mga natitirang mangrove forest sa mundo, sa halip na pagtuunan ang kanilang Reducing Emissions from Deforestation and Forest Degradation (REDD) strategies.

Ipinagdidiinan ng UN report na ito ang kahalagahan ng mangrove sa Pilipinas, gaya ng 250-ektaryang plantasyon sa Kalibo, Aklan at ang 2,800-ektaryang mangrove forest sa Albay. Ang Kalibo project ay inumpisahan noong 1989 ni dating Kalibo mayor at Aklan congressman Allen Salas Quimpo, na kasalukuyang university president. Ang proyekto ay nasa pangangalaga na ng Kalibo Save the Mangroves Association (KASAMA), at nagsisilbing “Aklan’s most effective safeguard” laban sa pagkasira ng kalikasan, bagyo at tsunami sa pamamagitan ng pagbuo ng natural barrier.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ang nakakamanghang 2,800-ektarya Albay mangrove forest ay napalawak sa kasalukuyan nitong sukat mula sa dating 700-ektarya noong 2009 sa tulong ni former Albay Governor, ngayon ay Congressman Joey Salceda.

Dahil sa mangrove forest, kinilala ng UNESCO ang Albay bilang World Biosphere Reserve.

Sa Aklan, ang Kalisbo mangrove plantation ay nakatutulong sa pagpapanatili ng malusog na karagatan, at pinagkakakitaan ng mga magsasaka at mangingisda sa pang-araw-araw nilang nahuhuling isda, alimasag, at iba pa.

Nagsisilbi rin itong atraksyon sa mga turistang namamasyal malapit sa sikat na sikat na Boracay Island Paradise. Ang pagpapalawak nito, ... sa tulong ng mga international and national organization at malalaking kumpanya, ay makatutulong din sa pagkakaloob ng trabaho at oportunidad sa mga Pilipino.

Umano na rin ang Kalibo project ng iba’t ibang parangal, kabilang ang 2005 United Nations commendation. Madalas itong bisitahin ng mga environmentalist at scientific researcher mula sa iba’t ibang panig ng mundo at ikinatutuwa kung paano ito nakatutulong sa biodiversity sa Kalibo. (Johnny Dayang)