Malaking hamon kay ONE Championship bantamweight standout Mark ‘Mugen’ Striegl ang nakatakdang duwelo kay Brazilian Rafael Nunes sa ONE:Age of Domination sa Disyembre 2 sa MOA Arena.

Kaya’t hindi matatawaran ang paghahanda ng Filipino-American stalwart na nagsasanay sa Evolve MMA sa Singapore at Baguio City para mapaghandaan ang laban at mapatatag ang marka sa premyadong MMA sa Asya.

“Baguio is one of the best places to train in the Philippines because it’s high altitude. It’s 5,000-feet above sea level. It’s great for strength and conditioning,” pahayag ni Striegl.

“Manny Pacquiao also trained in Baguio in the past for some of his biggest fights. It’s been fantastic for my training.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Matikas ang simula ng career ni Striegl sa ONE Championship nang gapiin niya ang noo’y walang talong si American Casey Suire via first round submission noong Abril 2015.

Sa ikalawang laban, natalo siya kay Filipino-Australian Reece McLaren.

Para mas maihanda ang srili, nagsasanay din si Striegl sa pangangasiwa ni ONE Heavyweight World Champion Brandon ‘The Truth’ Vera.