SEOUL (AFP) – Pumayag si South Korean President Park Geun-Hye noong Biyernes na kuwestyunin kaugnay sa corruption scandal na bumabalot sa kanyang administrasyon.

Sa kanyang pagtalumpati sa nasyon makalipas ang 10 araw, tinanggap ni Park ang responsibilidad sa eskandalo na kinasasangkutan ng kanyang matalik na kaibigang si Choi Soon-Sil, na inaakusahan ng fraud at pakikialam sa state affairs.

“If necessary, I am willing to sincerely respond to prosecutors’ investigations,” sabi ni Park, sa emosyonal na talumpati sa Blue House.

“These latest developments are all my fault and were caused by my carelessness…I can’t forgive myself... and it is hard to sleep at night,” aniya.

Internasyonal

Thailand, kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na nagpatupad ng same-sex marriage

Ngunit itinanggi niya ang mga balita na kaanib siya ng isang kulto. “There have been claims that I fell for a religious cult or had (shamanist rituals) performed in the Blue House, but I would like to clarify that those are absolutely not true,” diin ni Park.