team-jadine-at-sandara-sa-seoul-copy-copy

PABORITO talaga ni Nadine Lustre ang Korea dahil katulad nu’ng nakaraang taon ay sa Seoul niya muli ipinagdiwang ang kanyang kaarawan nitong October 31.

Sa pagkakataong ito ay kasama na ni Nadine ang kanyang boyfriend na si James Reid. Pero hindi naman silang dalawa lang ang nag-celebrate sa naturang bansa dahil kasama nila ang kanilang malalapit na kaibigan.

Happy si Nadine sa naganap na selebrasyon ng kanyang 23rd birthday, kitang-kita sa mga larawang kuha sa celebration.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day, kailan nga ba nagsimula?

Nakasuot silang magkasintahan ng Halloween inspired costumes at ang kanilang mga kasama ay nakapang-Star Wars attire naman.

Kasama rin ng Jadine ang kapatid ni James na si Lauren at ang younger brother na si Jack at kabuntot din si Sam Concepcion. Sa isa pang photo na kuha habang kumakain sila sa isang resto, kasama pa nila si Sandara Park.

Samantala, pinutakti ng sunud-sunod na posts ng Jadine fans ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaugnay sa pagtawag ng atensiyon ng ahensiya sa magkakasunod na sexy o daring episodes ng Till I Meet You (TIMY).

Sa isang sulat kasi ng MTRCB, tinawag ang pansin ng mga director ng TIMY na sina Direk Tonette Jadaone at Direk Andoy Ranay at pati na rin ang producer na si Arnel Nacario at ang writer na si Shugo Praico.

Ipinapatawag para sa isang dayalogo ang mga namamahala sa programa nina James at Nadine upang pag-usapan ang mga negatibong feedback na natatanggap ng ahensiya sa mga naipalabas na episode noong October 25, 26, 27 and 28.

Nais linawin ng MTRCB na kahit may SPG at PG ratings ang programa, higit pa ring nakararami ang kabataan sa mga nanonood ng TIMY. (JIMI ESCALA)