PARARANGALAN si Meryl Streep, kilala bilang isa sa pinakamagagaling na aktres sa kanyang henerasyon, ng Golden Globes lifetime achievement award sa taunang seremonya sa Enero, pahayag ng mga organizer nitong Huwebes.
Ipiprisinta ang Cecil B. DeMille award kay Streep, na tatlong beses nang nanalo ng Oscar, bilang pagkilala sa kanyang 40 taon sa industriya.
“She has always taken roles with strong female leads, creating art by showing vulnerability and portraying truth on the big screen. Simply put, she is a trailblazer, having paved the way for women in television, film and stage,” saad sa pahayag ng Hollywood Foreign Press Association (HFPA) President na si Lorenzo Sofia.
“For shattering gender and age barriers, all with finesse and grace, the HFPA is humbled to bestow this honor upon her,” dagdag niya
Inorganisa ng HFPA ang Golden Globes awards for film and television, isa sa pinakamalalaking seremonya sa long awards season ng Hollywood. Gaganapin ang seremonya sa Beverly Hills sa Enero 8.
Ang pinakabagong pelikula ni Streep ay ang 2016 comedy na Florence Foster Jenkins, na gumanap siya bilang mayaman at matandang Amerikana na walang talent ngunit napakaambisyosa.
Nanalo ng Oscars ang 67-anyos na aktres sa kanyang pagganap sa The Iron Lady, Sophie’s Choice, at Kramer vs. Kramer. Nakatanggap siya ng 19 na Oscar nominations sa kabuuan ng kanyang career.
Mapapabilang si Streep sa hanay nina Denzel Washington, George Clooney, Woodey Allen, at Jodie Foster na una nang pinagfkalooban ng Cecil B. DeMille award. (Reuters)