MAY inilabas nang pahayag para sa gaganaping Miss Universe 2017 sa bansa, kaya hindi totoo ang mga naunang tsismis na hindi matutuloy ang Miss Universe dahil kay President Rody Duterte. Maiksi lang ang announcement na nabasa namin, pero maingay na sa social media.
“Miss Universe LIVE ON FOX Sun Jan 29 at 7/6c.” Hindi namin alam kung ano ang ibig sabihin ng 7/6c. Nakalagay din ang MOA Arena (venue ng Miss Universe) pati ang slogan na “It’s more fun in the Philippines.”
Si Maxine Medina ang bet ng Pilipinas sa Miss Universe at may netizens nang nangunguna sa pagsasabing hindi siya mananalo dahil baka akalaing kaya siya nanalo dahil home decision.
Pero malay naman natin kung siya ang hirangin ng judges na pinaka-deserving para manalo, e, di back-to-back win tayo! Huwag unahan ng kanegahan, mga kababayan! (Nitz Miralles)