loren_mar_artajos-copy

INIULAT nitong Miyerkules ng gabi sa TV Patrol na ang napiling papalit sa trono ng nag-resign na si Miss Earth Philippines 2016 Imelda Scweighart ay ang llocana nurse na si Loren Mar Artajos.

Ipinahayag ng presidente ng Carousel Productions na si Ramon Monzon sa victory party ng Miss Earth 2016 winners ang kapalit ni Imelda pagkatapos nitong isantabi ang kanyang korona. Sina Kiaraqiel Gregorio at Loren ang dalawa sa mga pinagpilian ngunit sa bandang huli, ang bet ng Ilocos ang napiling pumalit sa trono ni Imelda.

Nag-resign si Imelda nang hindi kayanin ang bashings sa social media pagkatapos mapanood ang kanyang comment ng mga kasiraan sa nanalong si Miss Earth/Miss Ecuador na aniya’y produkto ng “salamat po, doktor” o retokada ang beauty.

Mga Pagdiriwang

Traslacion 2026, pinakamaagang nagsimula sa loob ng 1 dekada

Balitang iuuwi muna ng kanyang nanay si Imelda sa New Zealand kung saan ito nakabase para iiwas sa mga intriga pagkatapos ng pageant. (ADOR SALUTA)