Hindi pa man natatapos sa depensa kay No. 1 at mandatory contender Jessie Magdaleno, hinamon na si WBO super bantamweight champion Nonito Donaire Jr. ng nakalaban niya noong nakaraang taon sa Puerto Rico na si WBO No. 2 challenger Cesar Juarez.

Sa kanilang laban para sa bakanteng WBO super bantamweight crown, dalawang beses pinabagsak ni Donaire si Juarez sa 4th round ngunit nakarekober ang Mexican at muntik pang talunin ang Pilipino na nagwagi lamang sa puntos.

Tinalo ni Juarez si WBO No. 1 Albert Pagara via 8th round knockouts noong nakaraang Hulyo 9 sa San Mateo, California sa United States kaya nakabalik sa world ranking.

Nitong Oktubre 29, tinalo niya sa puntos ang matibay na Pilipinong si Richard Pumicpic sa 10-round na non-title bout sa Auditorio Municipal in Los Cabos San Lucas, Baja California Sur, Mexico kaya kaagad nitong hinamon si Donaire para sa rematch.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I want a rematch with Donaire,” sabi ni Juarez sa Fightnews.com. “We’re ready, I know I’ll defeat him more clearly and be crowned world champion!”

Ngunit, kailangang hintayin muna ni Juarez ang resulta ng depensa ni Donaire kay Magdaleno sa Linggo sa Las Vegas, Nevada at kung magwawagi ang Pinoy boxer ay nagpaplano itong bumalik sa featherweight division. Gilbert Espeña