Ibinasura ng Sandiganbayan Fifth Division ang kasong graft laban kay dating Makati City Mayor Elenita Binay kaugnay ng pagbili ng mga overpriced na office furniture para sa city hall noong 2000.

Sa 90-pahinang desisyon na nilagdaan ni Associate Justice Roland Jurado at pinagtibay nina Associate Justices Samuel Martires at Jose Hernandez, dinismis ang kaso laban kay Binay at sa mga kapwa akusado niyang sina Nicanor Santiago Jr., dating city administrator; dating General Services Department head Ernesto Aspillaga; at Asia Concept

International Corporate Officer Bernadette Aquino dahil nabigo ang prosekusyon na mapatunayang nagkasala ang mga ito sa kaso.

Kinasuhan ng graft si Binay kaugnay ng anomalya sa pagbili ng mga office partition at furniture na nagkakahalaga ng P21.7 milyon, at pagkiling sa Asia Concept International, Inc. Dahil dito, gumastos ang pamahalaang lungsod ng karagdagang P2.78 milyon para sa kagamitan at sumobra pa umano ng P5.91 milyon sa nasabing bentahan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gayunman, sinabi ng Sandiganbayan na bigo ang prosekusyon na mapatunayan na sumobra nga ang mga nabiling gamit.

“To establish excess purchases in this case, it must be shown that the number of the items purchased has exceeded the quantity that has actually been used,” anang Sandiganbayan. (Czarina Nicole O. Ong)