Sinabi kahapon ni Foreign Affairs Secretary Perfecto “Jun” Yasay Jr. na umaasa ang Pilipinas na sino man ang mananalo sa presidential elections sa United States, ay mananatiling matatag ang relasyon ng Manila at Washington.
“Ang concern ko lang, harinawa kung sinuman man ang maging Pangulo na ihahalal ng Amerikano, the friendship that we have between the two countries will remain stronger,” aniya.
Itinakda sa Nobyembre 8, ang 2016 US presidential elections ay magiging 58th quadrennial US presidential polls.
Pambato ng Republican Party ang negosyante at television personality na si Donald Trump. Si dating Secretary of State at US Senator Hillary Clinton naman ang kandidato ng Democratic Party.
FATE ON YOUR SHOULDER
Hinimok ni President Barack Obama ang mga itim at puti na Democrats na sama-samang bumoto sa Martes para kay Hillary Clinton, at nagbabala na si Donald Trump ay banta sa pinaghirapang civil rights, sa bansa, at sa mundo.
‘’The fate of the Republic rests on your shoulders,’’ sabi ni Obama sa mga botante sa Chapel Hill nitong Miyerkules.
‘’The fate of the world is teetering and you, North Carolina, are going to have to make sure that we push it in the right direction.’’ (Charissa M. Luci at AFP)