Tiniyak kahapon ni Tourism Secretary Wanda Teo na Pilipinas ang magho-host ng prestihiyosong Miss Universe pageant sa susunod na taon, at idaraos ang coronation night sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa Enero 30.

Ito ay sa kabila ng matagal nang mga haka-haka na hindi na matutuloy ang pagdaraos ng beauty pageant sa Pilipinas.

“After all that’s been said and done, I happily welcome on behalf of the DoT the latest announcement of the Miss Universe Organization (MUO) through Pia Wurtzbach that finally the Philippines will indeed play host to the much awaited 2016 Miss Universe pageant,” sinabi ni Teo sa press conference kahapon.

“This is one proud moment for all of us Filipinos to be a witness to the reigning Miss Universe Pia Wurtzbach of Cagayan De Oro as she takes her final walk and passes her crown in her home country, the Philippines,” dagdag pa niya.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sinabi ng kalihim na gagawin ang coronation night dakong 5:00 ng umaga sa Enero 30, 2017.

Ang iba’t ibang pageant activities at photoshoots ay isasagawa naman sa iba’t ibang lalawigan, kabilang na ang Palawan, Iloilo at Bicol.

Hulyo ngayong taon nang ihayag ni Teo na Pilipinas ang magsisilbing host ng Miss Universe sa susunod na taon. Huling nag-host ang Pilpinas sa beauty pageant noong 1974 at 1994.

Samantala, ang 25-anyos na interior designer at modelong si Maxine Medina ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe at target niyang muling masungkit ang korona. (Charina Clarisse L. Echaluce at Airamae A. Guerrero)