TULUYANG binuksan sa publiko ang terminal na maghahatid sa mga turistang nais magtungo sa “white island” sa Misamis Oriental, sa coastal village ng Jampason, pagkukumpirma ni provincial governor Yevgeny Vincente Emano.

Ayon kay Emano, ang P9 milyong “jump-off” terminal sa Jampason, Misamis Oriental, ay magsisilbing pre departure area para sa turistang ihahatid sa Agutayan white island.

“It would take about 25 to 30-minute boat ride before reaching the white island where domestic and foreign tourists could bask under the sun and enjoy swimming in the placid seas,” ayon kay Emano.

Aniya, maaari ring magrenta ang mga turista ng beach umbrella na matatagpuan sa “watch tower” ng isla na itinayo para maantabayanan at maitaboy ang ilegal na pangingisda.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Paano hahanapin ang katahimikan kung sarili ang kalaban araw-araw?

Ayon kay Emano, ang pagpapaganda sa Agutayan white island ay isa sa mga pangunahing programa ng nasabing probinsya.

Ibinalita rin Emano na idineklarang protected area ang isla makaraang madiskubre ng mga local marine biologist na mayaman sa marine biodiversity ang isla na may mga kakaibang marine species.

Bukod sa “sugar white” na buhangin, mayroon ding itinatagong isandaang taong “giant clams”, na isa sa mga puntirya ng masasamang loob sa mga nagdaang taon, ayon kay Emano.

Ang pagbubukas ng tourist jump-off terminal ay magkakaloob ng mga serbisyo sa mga turista, isa na rito ang presentation tungkol sa kasaysayan ng isla at baybayin ng Jasaan, Misamis Oriental. (Philippines News Agency)