blurpacman-copy

Vargas, kumpiyansa na maidedensa ang WBO title.

LAS VEGAS (AP) – Mas bata ng 10 taon kay Manny Pacquiao si WBO welterweight champion Jessie Vargas. Mas mataas din ito ng limang pulgada at apat na pulgada na mas mahaba mga braso.

Dahil sa taglay na bentahe, marami ang nagsasabi na may silat ang eight-division world champion at Philippine Senador sa kanilang duwelo sa Nobyembre 5 sa Thomas and Mack Center.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“I see [me] coming out with a big victory in front of the entire world in spectacular fashion and [surprising] everyone,” pahayag ni Vargas.

“I am going to use every advantage I have in this fight.”

Matikas ang marka ng Mexican fighter sa 27-1, tampok ang 10 knockouts at ang laban ang unang pagdepensa niya sa korona na dating hawak ni Pacquiao sa tatlong pagkakataon.

Ngunit, tulad nang mga nauna sa kanya, kabiguan ang hatid ni Pacquiao (58-6-2, 38 knockouts). Sa tuwina at sa bawat sitwasyon kung saan ibinibida ng karibal na natuklasan na ang ‘formula’ para siya talunin, pawang hinagpis ang nakakamit ng karibal.

“A lot of fighters have said for many years that when they watch my style on TV – even from ringside – that it looks easy to handle. When you step into the ring with me, you’re surprised by the speed, my power, being heavy-handed,” pahayag ni Pacquiao.

“A heavy-handed boxer is different than a strong boxer,” aniya.

Sa kabila ng katotohanan na ang huling knockout win ng 37-anyos na si Pacquiao ay noon pang 2009 kontra Miguel Cotto, hindi nagbabago bagkus higit pang lumalakas ang katawan at bumibilis ang mga suntok ng tinaguriang ‘People’s Champion’ sa nakalipas na 11 laban.

Ngunit, may ilang pagkakataon na nalagay sa alanganin ang katayuan ni Pacman.

Nagawa niyang bawiin sa dalawang pagkakataon ang kontrobersiyal na kabiguan kay American Timothy Bradley.

Naitala naman ni Juan Manuel Marquez ang kasaysayan nang mapabagsak si Pacquiao noong 2012. Bago ito, hindi nagawang mapabagsak ni Marquez si Pacman sa kabuuang 36 round na paghaharap.

Subalit nakamit ni Pacquiao ang pinakamalaking premyo nang maisakatuparan ang ‘mega fight’ kontra undefeated Floyd Mayweather, Jr.. Nabigo siya bunsod nang injury sa balikat na nabigong maipahayag ng Pinoy boxing legend bago ang laban.

Ayon kay trainer Freddie Roach, taglay pa rin ni Pacquiao ang bilis at disiplina sa pagsasanay kung kaya’t tiwala ang seven-time trainer of the year at hall-of-famer para sa isa pang panalo ni Pacman.

“He showed every bit of his speed today,” pahayag ni Roach. “He’s as good now as he ever was, in my mind.”

Buhay na patotoo ang beteranong si Ray Beltran na naka-spar ni Pacman.

“He stung me with a left,” sambit ni Beltran.

“Once Manny gets him, Vargas won’t be able to keep up. Manny is poison for Vargas’ style. [Vargas] is a brawler. He likes to fight, but Manny takes a punch very well. He’s strong and keeps throwing punches.”