Nakopo ng beteranong runner na sina Romnick Damasen at Melinda delos Reyes ang korona sa 42.195 kilometrong karera ng Philippine Marines na sinimulan sa pamamagitan ng pagsambulat ng kanyong 105-Howitzer na ginanap sa Marine Base Gregorio Lim sa Ternate, Cavite.

Nag-iisang tinawid ni Damasen ang finish line sa pagtatapos sa hagarang kilala sa binyag na 2nd Philippine Marine Corps Marathon sa loob ng tatlong oras, 25 minuto at 42 segundo upang tanghaling kampeon sa kalalakihan sa tampok na distansiya.

Pumangalawa kay Damasen si Emmanuel Manding (3:37:22), habang ikatlo ang matagal na sa takbuhang si Ronald Despi (3:40:20) sa karera na nilahukan ng 2,300 mananakbo kabilang si volleyball superstar Allyssa Valdez.

Tumawid sa ikalimang puwesto sa 5 km run ang three-time UAAP MVP at itinuturing ‘volleyball darling’ sa Philippine sports.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Nakakatuwa po na nakatulong ka na sa mga sundalo natin napapangalagaan mo pa ang sarili mo,” sambit ni Valdez.

Sapat naman ang oras na 4:37:08 ng ultra-marrathoner na si delos Reyes, na umungos kontra kina Celie Rose Jaro at Doris Manguiat sa patakbong pinangasiwaan nina Chief of Staff, Philippine Marine Corps (PMC) Col. Ariel Caculitan, PN (M), PMC Officers Spouses Assn., Inc. prexy Ana Parreno at race director Jonel Mendoza ng Frontrunner Magazine.

Nangibabaw sa 25-km. side event na takbuhan sina John Michael Budal at ang beteranang si Hazel Madamba, habang nanguna sa 10-km. sina Roy dela Cruz at Rances Elcabal Nunial. (Angie Oredo)