Isang speedboat na sakay ang 93 Indonesian migrant worker mula Malaysia ang lumubog sa Batam Island kahapon, na ikinamatay ng 17 sa kanila.

Nanggaling ang bangka sa estado ng Johor sa timog Malaysia at patungong Batam island ng Indonesia, sa timog ng Singapore, ayon sa Indonesian national disaster mitigation agency.

Unang sinabi ng pulisya na 18 katao ang nasawi.

Bumangga ang bangka sa isang reef matapos hampasin ng malalaking alon at malakas na hangin, dahilan para ito ay tumaob at lumubog. May 39 katao na ang nailikas habang nagpapatuloy ang paghahanap ng rescue team sa iba pang pasahero.

Metro

Sec. Dizon, tiniyak maiibsan lagpas-taong baha sa Araneta, QC bago ang tag-ulan

Maraming Indonesian ang nagtatrabaho sa mga pabrika at plantasyon sa Malaysian. (Reuters)