ILOILO CITY – Iminungkahi ang pagbabawal sa pag-aangkas sa motorsiklo sa lungsod na ito upang masawata ang kriminalidad.
Bago pa ang mahabang holiday, inihain na ni Iloilo City Councilor Plaridel Nava II ang resolusyon na nagbabawal sa kahit sino na umangkas sa motorsiklo.
Sinabi ni Nava na ang ilang krimen na naitala ng Iloilo City Police Office (ICPO) ay magkakaangkas sa motorsiklo ang suspek.
Bagamat may ilang exemptions, ang lalabag ay pagmumultahin ng P5,000 o ikukulong ng tatlong buwan, batay sa panukala. (Tara Yap)