NANATILI ang Chinese Coast Guard sa Panatag (Scarborough) Shoal kahit pinapayagan nilang makapangisda ngayon ang mga Pilipino sa naturang lugar. Dahil sa pangyayaring ito, masaya ang bawat pamilya ng mga mangingisda dahil maraming nahuhuli kung kaya inaasahan nilang magkakaroon sila ng “Merry Christmas” at “Prosperous New Year” pagsapit ng 2017.

Kaylapit lang ng “Kalburo” (ito ang tawag ng fishermen) sa Scarborough o Panatag Shoal sa Zambles at kaylayo nito sa pinakamalapit na isla ng China, pero nagawang masakop ng dambuhalang nasyon ang nasabing dagat dahil pag-aari raw nila ito sapul pa noong unang panahon (historical claim).

‘Di ba kung tawagin daw ito ay South China Sea? Mula noong 2012, inokupa na ito ng China at hinaharang ang mga mangingisdang Pilipino na tradisyunal na nangingisda roon mula pa noong panahon ng kanilang mga ninuno. Nagawa itong maokupahan ng China nang lumabag sa mungkahi ng United States na kapwa umalis ang barko ng Pilipinas at ng China na parehong nasa Panatag Shoal noon. Sumunod ang ‘Pinas sa panukala ng US subalit ang China ay nananatili roon. Dapat sana ay nakialam na noon ang US at pinilit ang China na umalis din, pero hindi ito kumilos.

Tapos na ang All Saints’ Day at ang All Souls’ Day. Ginunita ng mga buhay ang mga mahal sa buhay na yumao na.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nagtungo sila sa mga sementeryo na may alay na bulaklak at nagtulos ng kandila. Gayunman, nalulungkot ang Simbahang Katoliko dahil umano sa mali at hindi kanais-nais na paglalarawan sa Araw ng mga Patay bilang katatakutan.

Ayon kay Fr. Roy Bellen ng Archdiocese of Manila Office of Communications, lubhang nakalulungkot ang popular culture ngayon sa pagdiriwang at paglalarawan sa mga yumao ng mga nakakatakot na maskara ng mga multo, kalansay, bungo, at iba pang mga pangit na imahe.

Pahayag ni Fr. Bellen: “The dead are not meant to be scary but they are meant to be prayerful. The Church is sad that we have a wrong understanding on this.” Higit marahil makabubuti at kanais-nais na ang ilarawan sa Araw ng mga Patay ay mga imahe ng anghel sa langit, nagdarasal para sa mga yumao, magagandang litrato at maskara, placard at iba pang kanais-nais sa mata. Igalang natin ang mga yumao at ingatan ang kanilang mga alaala! (Bert de Guzman)