Naniniwala si Senator Antonio Trillanes IV na unti-unting mawawala ang popularidad ni Pangulong Rodrigo Duterte, taliwas sa mga naglalabasang survey.

Ayon kay Trillanes, kapag nakita na ng sambayanan ang katotohanan sa kampanya ni Duterte ay mawawala na rin ang suporta ng publiko sa Pangulo. Inihalimbawa niya ang maraming kaso ng extra-judicial killings na mahirap aniyang pagtakpan.

“In the case of EJK’s, the stench is so bad, no matter how you cover it up or spray perfume around it, it will continue to come out and stick. So it’s just a matter of time (bago bumagsak ang popularidad ng Pangulo),” sabi ni Trillanes.

Ayon pa kay Trillanes, bagama’t walang lantarang kumokontra sa Pangulo sa ngayon, may ilang senador na ang tahimik na nagpapahayag ng pagtutol at nakikiramdam.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Once they feel that President Duterte is no longer popular, then they start bashing away. Remember, 2019 is the midterm elections, so probably the senators who intend to run again in 2019 would carefully calibrate their positions,” diin ni Trillanes. (Leonel M. Abasola)