matteo-copy

NAPAIYAK si Matteo Guidicelli sa guesting niya sa Magandang Buhay nang may ipakitang video na isa-isang nagbigay ng mensahe ang pamilya niya para sa kanyang 10th anniversary sa showbiz. Pagkatapos mapanood ang video message bumigay si Matteo.

Pero mas lalong naging emosyonal ang actor nang maalalala niya ang kanyang grandfather na pumanaw nu’ng nakaraang taon.

“First time kong napaiyak sa TV. Kasi si Nonno (tawag ni Matteo sa lolo niya) always wanted to see me do all these. I believe na even if we lose somebody in our life, he or she is always there watching us.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Kumbaga kahit anuman, kahit akala natin wala na sila,vthey are still there in front of us, guiding us and hopefully proud of us,” sey pa ng boyfriend ni Sarah Geronimo.

Missed na missed ni Matteo ang kanyang grandfather, at kaya nga raw niya ipinangalan dito ang kanyang itinayong Italian resto sa Cebu, ang Trattoria Da Gianni.

Marami na raw namang regular customers ang nasabing resto at may mga dumadayo pa nga na taga-ibang lugar. Bukod sa restaurant business, may production company ring itinatayo si Matteo.

“P’wede rin naman akong maging producer. Sana nga, eh, matupad ko ‘yun. For a start, eh, p’wede akong maging producer anything ng live events, movies, documentaries at iba pa,” lahad ng actor.

Pangarap ni Matteo na ma-explore nang husto ang show business. Lahat ng mga galaw tungkol sa industriya ay pinag-aaralan daw niya nang husto.

“I want to learn more and learn more about the industry. I mean, about filmmaking, and all these things. Sana in the near future, I can produce events for other artist,” banggit pa rin ni Matteo na ayun pa sa pagkakaalam ng isang taong malapit sa kanya ay naghahanda na rin ang actor sa para sa kanilang dalawa ni Sarah Geronimo. (Jimi Escala)