lovi-at-tom-copy

KUNG regular viewer kayo gabi-gabi ng inspirational drama serye ng GMA-7 na Someone To Watch Over Me, dinidirehe ni Maryo J. delos Reyes, tiyak na hahanga at makikiiyak kayo sa mahusay na pagganap ng lead actress na si Lovi Poe bilang si Joanna.

Nakakaiyak ang mga sakripisyong ginagawa ni Joanna para sa mahal niyang asawang si TJ played by Tom Rodriguez, na may lumulubha nang Alzeihmer’s disease.

Paano nakaka-cope-up si Lovi sa character niya na tinitiis ang lahat para lamang matulungan at unawain ang asawa?

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Kapag natanggap ko na po ang script, binabasa ko agad,” sabi ni Lovi. “Excited ako agad malaman kung ano naman ang ibibigay kong characterization sa mga gagawin kong eksena. Wala pa kasing happy moments sa mga eksena ko dahil kung sa simula ay caring at loving si TJ, at the split of the moment, biglang may pagbabago siyang gagawin.

“Like iyong isang eksenang kilala niya ang yaya ng anak namin, mayroon lang siyang hinahanap, nang tanungin siya ng yaya, pinagbintangan na niyang si yaya ang kumuha at nagalit na siya, pinalalalayas na niya. Hindi po madaling awatin si TJ kapag nagwawala na. Ang ending nga po noong isang gabi, takot na si yaya, nagri-resign na.”

Inamin ni Lovi na naiuuwi niya kung minsan sa bahay ang mga huling eksenang ginawa niya, kaya kung minsan ay umiiyak siya hanggang sa bahay.

Feel na feel niya ang character ni Joanna. Paano raw kung nangyayari pala ito sa close friends niya, parang ang hirap daw i-appease ng sinumang nakakaranas ng gaya ng experience ni Joanna.

“Pero ang dami ko pong natutunan sa role ko rito, talagang naiiba, hindi lang bilang isang mabait na asawa, iyong matututo ka ring lumaban kung ang pamilya mo na ang nasasaktan. Pumasok na nga sa eksena si Irene (Max Collins) at maganda rin ang character niya, ang tanging babaeng natatandaan ni TJ sa halip na akong asawa niya.”

Pinuri namin si Lovi sa isang eksenang nang saktan siya ni TJ pero kitang-kita pa rin ang pagmamahal niya rito. Sabi namin, feel na feel niya ang eksena.

Hindi raw talaga maiiwasang hindi maramdaman ang eksena dahil ang husay-husay din ng acting ni Tom. Nagkakahuhugutan nga raw sila ng emosyon ni Tom, kaya pareho nilang nararamdaman ang mga eksena nila.

May nagsasabing OA raw ang acting ni Tom, lalo na kapag nagwawala ito. Pero hindi raw OA, natural reaction daw iyon ng mga may ganitong sakit.

Kasama nina Lovi, Max at Tom sa Someone To Watch Over Me sina Edu Manzano, Ronnie Lazaro at Isay Alvarez, at napapanood sila pagkatapos ng Alyas Robin Hood. (Nora Calderon)