fvr-interview-dusit_makati_08_ganzon_240216-copy

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang tensiyon sa pagitan nila ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, kasabay ng pagkumpirma na natanggap na niya ang resignation ng huli bilang special envoy sa China.

“Yes. I received his (resignation) last night. I had a copy of his resignation,” ayon sa Pangulo sa mga mamamahayag nitong Martes ng gabi.

Tinanggap ni Ramos ang pwesto noong Hulyo matapos ang ruling ng United Nations (UN) na pumapabor sa Pilipinas, kontra sa Beijing na umaangkin sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Ang sabi niya, nagawa ko na ‘yung gusto mong ipagawa sa akin. I have broken the ice between (Philippines and China),” ani Duterte, kasabay ng pagpapasalamat sa serbisyo ni Ramos.

Magkaibang pananaw

Kasabay naman ng pahayag na tinatanggap niya ang mga payo ng dating Pangulo, sinabi ni Duterte na magkaiba sila ng pananaw ni Ramos.

“I take his advice. But you know I have my own way of assessing it. For example, I have not heard but it was stated there in one newspaper about extrajudicial killing. He knows that I do not do it and we do not do it. He was once upon a time the chief of the Philippine National Police (PNP). Hindi na ginagawa ‘yan,” ayon sa Pangulo.

“So, I think off tangent ‘yan sa...pero sabihin mo na may mga patayan palagi, that is a part of my— You know when I ran for President, I promised you, my covenant with the people was this: I will stop corruption and I will do it. And I said I will stop drugs and I said I will do it. And third is that I will stop criminality so that we can move on with our lives. I will do it,” dugtong ng Pangulo.

“So, pasensya na lang if you do not like my commitment which to me was a sacred promise during the last elections...

And I will do it until the last pusher is out of the streets and the last drug lord in this country is exterminated.”

Tratado, pag-aaralan pa

Hinggil naman sa column ni Ramos na may pamagat na “Climate change: Attention P. Digong, Cabinet and Congress,” binira ng dating Pangulo si Duterte dahil sa hindi pagratipika sa Paris Agreement on Climate Change.

Reaksyon ni Duterte, “I’m just being careful. It doesn’t mean to say that I do not want typhoons and storms to come to planet earth every day.”

Sinabi ng Pangulo na kailangan niyang pag-aralan mabuti ang kasunduan.

“Kakaumpisa pa lang natin. Nagyaya ako ng maraming mga investors, tatayo ako ng industrial estates. There will be a lot of smoke there and pollution. Titingnan ko lang na meron akong leeway and elbow room to move because the treaty now that is being signed or passed around for signing is binding,” dagdag pa ng Pangulo.

Isyu sa US

“Hindi kami nagkaintindihan diyan.” Ito naman ang pahayag ng Pangulo kung isyu hinggil sa United States (US) ang pag-uusapan nila ni Ramos.

Batid umano ni Duterte na pro-Western si Ramos dahil produkto ng West Point ang huli.

“Ayaw niya makipag-away,” ani Duterte. “Iba si Ramos, iba ako.” (ELENA L. ABEN)