ABOARD THE PAPAL PLANE (Reuters/AP) – Tuluyan nang binura ni Pope Francis ang posibilidad na magkaroon ng babaeng pari ang Simbahang Katoliko.

Sakay ng eroplano pabalik sa Rome mula Sweden, kung saan ang ang pinuno ng Lutheran Church ay isang babae, tinanong siya ng isang Swedish female reporter kung sa tingin niya ay maaaring pahintulutan ng Simbahang Katoliko na maordenahan ang mga babaeng pari sa mga susunod na dekada.

“St. Pope John Paul II had the last clear word on this and it stands, this stands,” sabi ni Pope Francis.

Sa kanyang apostolic letter noong 1994 na pinamagatang “Priestly Ordination,” idineklara ni Pope John Paul II na “the Church has no authority whatsoever to confer priestly ordination on women and that this judgment is to be definitively held by all the Church’s faithful.”

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Muli ay nagtanong ang reporter na: “But forever, forever? Never, never?

Sumagot ang papa na: “If we read carefully the declaration by St. John Paul II, it is going in that direction.”