Hindi na itutuloy ng U.S. State Department ang planong pagbebenta ng 26,000 assault rifles Philippine National Police (PNP) matapos magpahayag si Senator Ben Cardin na haharangin niya ito, sinabi ng Senate aides sa Reuters nitong Lunes.

Nag-aalangan diumano si Cardin, ang pinakamataas na Democrat sa Senate Foreign Relations Committee, na magkaloob ang United States ng mga armas bunga ng pag-aalala sa mga paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas.

Iniimpormahan ng U.S. State Department ang Congress kapag mayroong negosasyon sa pagbebenta ng mga armas sa ibang bansa. Ayon sa mga aide, ipinalaam ng Foreign Relations committee staff sa State na haharangin ni Cardin ang kasunduan para sa pagbebenta ng 26,000-27,000 assault rifles sa prenotification process ng department, dahilan para hindi na ito itutuloy.

Hindi pa nagkokomento ang mga opisyal ng State Department.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

HINDI KAWALAN

Walang mawawala sa Pilipinas sakaling iatras ng US ang pagbebenta ng baril sa PNP.

Ito ang naging reaksyon ni Senator Panfilo Lacson sa nasabing ulat. Binigyang-diin niya na may sariling budget ang Pilipinas at pwedeng sa ibang bansa na lamang bumili ng mga armas at baka mas mura pa.

“There are tens of other countries that manufacture better and probably cheaper assault rifles than the US. Since it’s a planned sale of assault rifles by the US to the Philippines, we do not stand to lose anything except one less gun store to choose from,” ani Lacson.

Hinimok niya ang Department of National Defense (DND) na silipin ang kanilang mga programa at pag-aralan din na tayo na lang ang gumawa ng mga sariling baril.

“There is now more reason for our Department of National Defense to revive our self-reliance program so we can produce our own weapons and ammunition and other military hardware,” ani Lacson. (Reuters at Leonel M. Abasola)