PORMAL nang pumasok sa Bahay ni Kuya ang unang batch ng lucky regular housemates na magbabahagi ng kanilang kuwento at buhay sa hit reality show na Pinoy Big Brother Lucky Season 7.

Sa ginanap na kick-off event, isa-isang winelcome ni Kuya at ng taong-bayan ang bagong housemates na kinabibilangan ng Incredible Hunk ng Nueva Ecija na si Tanner Mata, Bibang Bentang-gueña ng Batangas na si Baninay Bautista, Rampa Raketera ng Bulacan na si Ali Forbes, Longing Son ng Taguig na si Luis Hontiveros, Lucky Bet na Miss ng Tacloban na si Thuy Nguyen, Dazzling Daughter ng Bulacan na si Cora Waddell at Overseas Filipino Warrior ng Tondo na si Jerome Alecre.

Tiyak na aabangan din ng mga manonood ang mga bagong personalidad na ito gabi-gabi at aalamin kung paano sila magpapakatotoo sa kabila ng iba’t ibang hamong haharapin.

Tunay na tatak Pilipino, mga palaban sa buhay na maituturing sina Baninay, Ali, at Jerome. Sumabak si Baninay sa iba’t ibang pagkakakitaan maitaguyod lang ang sarili at ang pamilya. Ganoon din ang beauty queen na si Ali na nagsikap buhayin ang pamilya matapos silang bumulusok sa hirap nang malugi ang kanilang mga negosyo. 

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ginapang naman ni Jerome ang kanyang pag-aaral hanggang sa makipagsapalaran sa ibang bansa para lang maiahon ang pamilya sa hirap.

Hindi rin naging madali ang kapalaran kina Cora at Luis kaya naman patuloy din silang lumalaban para sa pamilya. Ang Internet sensation na si Cora ay namulat sa hirap ng buhay matapos maaksidente ang kanyang ina sa US na sumimot sa ipon ng kanilang pamilya. Ito ang nag-udyok sa kanaila para bumalik sa Pilipinas at magsimula ng bagong buhay.

Malalim din ang hugot sa pamilya ni Luis na viral rin sa Internet noong panahon ng eleksyon bilang cute at hunky na pamangkin ng isang senadora. Galing sa isang broken family, batid niya ang pagkakaroon ng isang buo at masayang pamilya.

Samantala, bagong tahanan naman ang turing nina Thuy at Tanner sa Pilpinas matapos manirahan sa ibang bansa. Unang nakita ng sambayanan si Thuy bilang Vietnamese housemate ni Kuya sa celebrity edition na ginawa sa Vietnam. Dala ng digmaan, napadpad sina Thuy at ang kanyang magulang sa bansa kung saan nahanap nila ang masaya at payapang pamumuhay.

Laking US naman si Tanner kung saan nakagisnan niya ang kanyang ina at step-dad. Nasa 13 taong gulang siya nang nakilala niya ang kanyang tunay na ama. Dahil sa pagmomodelo, napunta siya sa Pilipinas at nakahanap ng bago niyang pamilya sa mga katrabaho at kaibigan.

Sino pa kaya ang makakasama nila sa loob ng bahay? Kilalanin ang iba pang regular housemates ni Kuya sa It’s Showtime at TV Patrol mula Nov 3 hanggang Nov 5.