BEIJING (AP) — Kinumpirma ng Foreign Ministry ng China nitong Lunes na may “proper arrangement” o kasunduan ang China at Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa Scarborough Shoal.

Ito umano ang dahilan ng pagpayag ng China para makapangisda sa rehiyon ang Pinoy fishermen, ayon kay Foreign Ministry spokeswoman Hua Chunying.

Ang “proper arrangement” ay nailatag umano matapos ang pagbisita sa Beijing kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala nilinaw ni Hua na ipagpapatuloy ng China ang administrasyon sa Scarborough Shoal bilang Chinese territory, sa kabila ng arbitral ruling na nagsasabing walang basehan ang claim ng China sa shoal na sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Given the circumstance, regarding the issue President Duterte was highly concerned about, China made proper arrangements on the issue based on the friendship between China and the Philippines,” ayon kay Hua sa mga mamamahayag.

Inangkin ng China ang shoal, partikular ang lugar na nasa 228 kilometro (123 nautical miles) ang layo sa northern Philippines. Ito ay matapos ang 2012 standoff sa pagitan ng mangingisdang Pinoy at Chinese, samantala nagresulta ito sa pagtaboy sa mga Pilipino na nagtagal hanggang apat na taon.

Kaugnay nito, sinabi naman ni National Security adviser, Hermogenes Esperon Jr., na walang kasunduan ang Pilipinas at China sa pagbabalik ng Pinoy sa shoal.

Tiniyak ni Esperon na igigiit ng Philippine government ang claim nito sa nasabing traditional fishing area.

“There was no expressed agreement but it seems like the traditional rights of our fishermen are being respected,” ani Esperon hinggil sa kalayaan ng Pinoy fishermen sa shoal. “But the president reiterated that we won in the court, the other leader also reiterated that is historically their territory.”