RIO DE JANEIRO (AP) — Tapos na ang aksiyon ng Olympics, ngunit hindi pa nareresolba ang suliranin sa pagbabayad sa mga manggagawa.
Nagsasagawa ng demostrasyon ang daan-daang manggagawa, kabilang ang 100 freelance contractor na nagtayo ng ilang venue sa Rio.
“I’m working with a legal firm that is already representing someone involved with Rio 2016, so they have a pretty good handle what is going on,” pahayag ni Rocky Bester, South African freelance show producer, ayon sa pahayag ng Associated Press .
Ayon kay Bester, nakadidismaya ang sitwasyon na aniya’y unang pagkakataon sa kanyang kumpanya may isang taon na ng nakalilpias.
“We’ve had robust conversations at other Olympics about payments, but it’s always been an open conversation,” sambit ni Bester.
“What is happening here is that no one is talking back. We’re sitting in the dark. We’re mushrooms at the moment.”
Inilarawan niya ang kasunduan na bigo nang walang kongkretong kasunduan ang naganap.
“We are paying, but not all the money we need to have for payments has been received,” sambit ni Rio spokesman Mario Andrada told.
“We are struggling a bit in making the ends meet.”