Iniutos ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagdaraos ng Mindanao at Visayas labor summits sa buwang ito upang makuha ang pinagkasunduan ng iba’t ibang grupo ng manggagawa sa mga isyu, tulad ng kontraktuwalisasyon.

“We want the labor groups to provide recommendations and inputs on addressing issues concerning labor rights and standards, migration, women’s sector, informal sector, industrial policy and economic roadmap, wages, prices, and tax reforms,” pahayag ni Bello.

Ang Mindanao leg ay gaganapin sa Davao sa Nobyembre 11, habang ang Visayas summit ay sa Nobyembre 18 sa Cebu City.

Unang isinagawa ng DOLE ang Luzon labor summit sa Quezon City noong nakaraang buwan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pagkatapos ng summits, ang mga opisyal ay makikipagkita sa mga kinatawan mula sa mga employer at paggawa upang maisapinal ang isang patakaran at masolusyunan ang kontraktuwalisasyon. (Mina Navarro)