kris-copy

KAHIT magkalaban sa pulitika nitong nakaraang eleksiyon, hindi nag-atubili si Pangulong Rodrigo Duterte na padalhan ng bulaklak ang puntod ng mga magulang ni dating Pangulong Noynoy Aquino na sina Pres. Cory Aquino at Sen. Ninoy Aquino sa Manila Memorial Park, Parañaque City.

Sa huling post ni Kris Aquino sa Instagram, aniya: “I got dehydrated from my all day outdoor shoot, forced myself to work Friday then had low grade fever from Friday night til this morning. My sisters sent this picture to me. Maraming Salamat po, Pangulong Duterte for the heartwarming gesture of sending our Dad & Mom flowers.”

Bukod kina Cory at Ninoy, pinadalhan din ng mga bulaklak ni Pangulong Duterte ang mga puntod ng mga dating pangulo ng Pilipinas na sina Elpidio Quirino, Diosdado Macapagal, at Carlos Garcia sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Nitong nakaraang eleksiyon, sinuportahan ni Pres. Noynoy Aquino si Mar Roxas bilang standard bearer ng Liberal Party, samantalang sa ilalim naman ng PDP-Laban tumakbo si Duterte.

Sa kanyang panig naman, malaki ang pasasalamat ni Kris Aquino sa ginawang ito ni Pangulong Duterte bilang paggunita sa Araw ng mga Patay. (ADOR SALUTA)