Bagama’t kulang sa ceiling na inaasahang mapupunan sa mga pinaplanong trade, kumpiyansa ang Phoenix na makakabuo ng isang ‘run and gun team’.
“We got younger, kaya siguradong makakatakbo na kami at nadagdagan pa kami ng mga shooters,” pahayag ni Fuel Masters coach Ariel Vanguardia matapos kunin sa nakaraang Rookie Drafting sina Matthew Wright ng Gilas Cadet, gayundin sina Gelo Alolino, Jeoff Javillonar, Paolo Javelins at Achie Iñigo sa regular draft.
Ang karanasan ni Wright sa European league ang naging dahilan kung bakit mas pinili ni Vanguardia ang dating manlalaro sa Malaysia Dragons sa Asean Basketball League kasya sa big man na si Arnold Van Opstal.
Bukod dito, maaari din aniya itong lumaro bilang pointguard kung saan makakasama niya sa rotation sina Alolino, Javelona at Iñigo.
Para naman kay Javellonar, balak niya itong gawing back-up ni JC Intal sa wing.
Nauna nang ini- released ng Phoenix sa kanilamg roster sina Josh Urbiztondo at Mark Cruz kung kaya kinuha nila sina Alolino, Javelona at Iñigo sa draft.
Masaya ring ibinalita ni Vanguardia na makakalaro na ang na-in jured na si Norbert Torres na siyang inaasahan nilang tatao sa shaded lane para sa Fuel Masters.
Sakaling hindi matuloy ang mga niluluto nilang trade upang makakuha ng mga big man, sasandig ang Fuel Masters sa bilis. (Marivic Awitan)