Hindi dapat na mabahala ang publiko sa lokal na ekonomiya sa kabila ng babala ng isang foreign credit rating agency na ang mga posibleng pagbabago sa polisiya ng pamahalaan ay maaaring makasama sa paglago ng Pilipinas.

Tiniyak ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na ang economic fundamentals ng bansa ay nananatiling malakas at unti-unti nang nababawasan ang kahirapan sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Duterte.

“We will be ok,” sabi ni Andanar sa isang text message. “The economic fundamentals remain strong. The poverty rate had dropped. Inflation rate is stable. Government-private contracts continue to be honored,” aniya.

Kamakailan ay inihayag ng Moody’s Investors Service na ang mga bangko sa Pilipinas ay nananatiling malakas dahil sa stability at resiliency ng domestic economy. Nagbigay ito ng “stable” outlook para sa local banking system sa susunod na 12 hanggang 18 taon.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Gayunman, nagbabala ang global debt watcher na maaaring humina ang growth prospects ng bansa kapag nagkaroon ng “significant shift” o malaking pagbabago sa mga polisiya ng gobyerno.

Sa kabila nito, sinabi ng Moody’s na ang gross domestic product ng bansa ay inaasahang lalago pa rin sa 6.5 porsiyento sa 2016 at 2017, mas mataas kaysa ibang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations.

(Genalyn D. Kabiling)