Pinagtibay ng Kamara ang House Bill 2002 na naglalayong magtatag ng Davao International Airport Authority (DIAA), na mangangasiwa sa Francisco Bangoy International Airport o Davao International Airport sa Davao City.

Ipinasa ng House committee on government enterprises and privatization, na pinamumunuan ni North Cotabato Rep. Jesus Sacdalan, ang HB 2002 na ang pangunahing may-akda ay si Deputy Speaker at Davao City Rep. Mylene Garcia-Albano.

Ayon kay Albano, ang pagtatayo ng DIAA ay tiyak na magdudulot ng positibong epekto sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng Davao City at buong Davao Region. (Bert de Guzman)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito