SUAL, Pangasinan - Dead on arrival sa ospital ang isang ama at dalawa niyang anak na paslit matapos na makasalpukan ng kanilang tricycle ang kasalubong nilang armored car sa national highway sa Barangay Seselangen.
Kinilala ng Sual Police ang nasawing mag-aama na sina Joel Ruiz, 31; Dhaisy Rain Ruiz, 4; at Emgin Ruiz, 3, pawang taga-Bgy. Pocal- Pocal, Alaminos City, samantala himala namang nakaligtas ang misis ni Joel at ina ng mga bata na si Fe Ungria.
Batay sa imbestigasyon, dakong 11:30 ng umaga nitong Lunes at sakay sa tricycle ang pamilya nang tinangka ni Joel na lumusot ngunit nakasalubong at nakasalpukan nito ang armored car (ZHS-299) na minamaneho ni Aljourney Fernandez, 28 anyos. (Liezle Basa Iñigo)