MULA nang iparinig sa Dr. Love Radio Show ang Sana May Pag-ibig, maraming listeners ang humihiling kay Bro. Jun Banaag na ito ay patugtugin nang madalas. 

Walang gabing hindi ito nire-request na tugtugin bago matapos ang programa.

Napapanahon kasi ang mensahe ng kanta, na muling manumbalik ang pag-ibig at kapayapaan sa ating kapaligiran. Kasi nga, araw-araw na lang ay puro patayan ang laman ng balita

Lalo kaming namangha at nagalak nang ihayag ni Bro. Jun kung sino ang mga tinig sa likod ng very inspiring song. They are the voices of Piolo Pascual at ni Charo Santos at ang dalawa niyang apo. 

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

Sa comeback movie ni Charo na Ang Babaeng Humayo namin unang narinig ang singing voice ni Charo nang awitin niya ang Somewhere mula sa musical na West Side Story.

Hindi agad pumasok sa aming isipan si Charo bilang isang singer dahil sa drama siya lubusang nakilala. Pero hindi pa huli para gumawa siya ng isang album of inspirational songs dahil mayroon siyang “K” na mag-record.

May we also suggest na sa muling paggawa ni Piolo ng album ay idagdag bilang bonus track ang Sana May Pag-ibig.

(REMY UMEREZ)