Pinatunayan ng bansa na pantay ang kapangyarihan ng kababaihan at kalalakihan sa iba’t ibang larangan mula sa usapin ng trabaho, pulitika at ibang antas ng lipunan.
Ayon kay Senator Loren Legarda, ang paghirang sa Pilipinas bilang una sa Asya at ikapito sa buong mundo sa may 144 bansa, o halos 79% sa gender gap ay patunay lamang na tagumpay ang pamahalaan sa pagsulong sa karapatan ng kababaihan.
Binanggit ni Legarda ang Global Gender Gap Report ng World Economic Forum (WEF) ngayong 2016.
“The country’s high gender gap ranking is proof of the significant efforts being undertaken by the government to address gender discrimination and inequality,” ani Legarda, pangunahing may akda ng mga batas na may kinalaman sa women’s rights protection.
Nakakuha ang Pilipinas ng halos perpektong grado ng kababaihan sa larangan ng edukasyon, ekonomiya, at pantay na kapangyarihan.
Patunay umano ito na maayos ang pagpapatupad ng umiiral na batas sa bansa.
Layunin ng Global Gender Gap Index na ipabatid ang distribusyon ng karapatan ng kababaihan, kumpara sa kalalakihan sa buong mundo. (Leonel M. Abasola)