Todos los Santos, Nobyembre 1, 1512, nang isapubliko ang obra ni Michelangelo sa kisame ng Sistine Chapel sa Rome, Italy.

Ikinokonsidera bilang isa sa pinakamahuhusay at pinaka-hindi malilimutang likha ni Michelangelo, itinatampok ng obra na ito ang maraming tao, na pinagtutuunan ang siyam na panel na ibinatay sa kasaysayan ng mundo na nasa Bibliya.

Ang “The Creation of Adam”, na ipinapakita na pinag-aabot na mga braso ng Diyos at ni Adan, ang pinakatanyag sa mga panel.

Kinikilala bilang pinakamahusay na Italian Renaissance artist, taong 1508 nang sinimulan ni Michaelangelo ang pagpipinta sa kisame ng Sistine Chapel.

Human-Interest

BALITAnaw: Gaano katagal ang naging Papal Conclave sa mga nakaraang taon?