FROM a very reliable source, nalaman naming buntis na naman ang non-showbiz girl na nagkaanak din courtesy ng isang sikat na drama actor.
Yes, bale naka-take two na ang magaling na premyadong aktor sa naturang non-showbiz girl.
Sa totoo lang, ang naturang non-showbiz girl ang dahilan kung bakit nag-alsa-balutan ang aktres na pinakasalan ng actor.
Another clue, may mga anak na ang aktor at aktres.
Ang tsika ng source namin, na dating sexy star at kababayan ng non-showbiz girl, knows niya na kahit nagkaanak at ngayon nga ay nabuntisan muli ng drama actor ang girl ay walang seryosong relasyon ang dalawa.
Kumbaga, tikiman lang naman daw. Nagkaanak na’t lahat, tikiman pa lang, kalurky, di ba?
In fairness, sa ipinakitang pictures ng source namin ay pang-beauty queen naman pala kasi ang peg ng naanakan at ngayon nga ay nabuntisan muli ng drama actor.
“Mahilig kasi talaga ‘yan sa pang-beauty queen. Eh, di ba pang-beauty queen din naman ang naging asawa niya at pati na rin ‘yung iba pang nabuntisan niya?” sey ng source namin.
Ayon pa sa source, nang malaman daw ng drama actor ang muling pagbubuntis ng non-showbiz girl ay binitiwan na agad ito at nakipagbalikan sa isa pang naging babae rin niya.
Pati rin daw pala ‘yung halos nakasabay din noon na nabuntisan ng drama actor ay buntis din courtesy rin ng drama actor.
“Buntisan nang buntisan na lang. Kawawa naman ang mga angeles, este, ‘yung mga bata na sa pagkakaalam namin ay hindi nabibigyan ng sustento ni _______ (drama actor ),” sey pa ng source namin. (JIMI ESCALA)