Ayon sa isang pari ito ay maaaring pahiwatig na humihingi sa iyo ng dasal ang taong namatay.

“It’s their way of telling you that they need your prayers and not because they want to possess or terrorized you,” paliwanag ni Fr. Roy Bellen ng Archdiocese of Manila Office of Communications sa isang panayam.

Ito, aniya, ang rason kung bakit nag-aalay ang Simbahan ng isang araw para sa Mga Santo (Nobyembre 1) at Mga Patay (Nobyembre 2) para sila ay alalahanin.

“Since there are many saints in Rome, not all of them are remembered. There’s a day dedicated to them so they will be remembered. It’s the same with the souls,” sabi ni Bellen.

National

Kilalanin ang mambabatas na nasa likod ng Death Penalty for Corruption Act

Gayunman, pinaalalahanan niya ang mga mananampalataya na ipagdasal hindi lamang ang mga yumaong mahal sa buhay sa Araw ng mga Patay, kundi ang lahat ng mga namayapa.

“There is a day dedicated to them (souls) so that those who have been forgotten will be remembered on that day. So, we pray for all souls whoever they are especially those in purgatory,” ani Bellen.

Sa mga hindi kayang bumili ng bulaklak o kandila para sa mga patay, sinabi ng pari na hindi dapat mabahala dahil ang higit na mahalaga ay ang maalala at maipagdasal ang mga yumao.

“We Filipinos, we always want to give the best to the ones we love. If you can only afford to give artificial flowers that’s okay. It doesnt mean that you love the person less. There are those who buy elaborate flower arrangements but dont even pray. So, it doesn’t matter. What is important is the intention of doing it,” ani Bellen.

“While external things are good it doesn’t mean that without it the meaning of the celebration of All Souls’ will be diminished. Just offer a prayer, a mass for the person, and go to church that’s more than enough,” dagdag niya.

Ang Araw ng mga Santo ay isang mataimtim na kapistahan na ginugunita tuwing Nobyembre 1, bilang parangal sa lahat ng mga kilala at hindi kilalang santo ng Simbahang Katoliko. Ang Araw ng mga Patay na ginugunita tuwing ikalawa ng Nobyembre ay ang paraan ng mga Katoliko para alalahanin ang mga namayapang kabigan at mahal sa buhay. Sa Pilipinas, ang kapistahang ito ay tinatawag na “Undas”. Sa panahong ito, nakaugalian na ng mga Pilipino na bumisita sa mga sementeryo at magtipun-tipon sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay at mag-alay ng bulaklak at kandila.

(Leslie Ann G. Aquino)