Hindi mapipilay ang Philippine National Police (PNP) kapag tuluyan nang inalis ang checkpoints, kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP Chief, Director General Ronald dela Rosa, agad nilang ipapalit ang mobile checkpoints kung kinakailangan.

“Such policy can’t be our handicap. Magiging handicap iyan sa mga law enforcers na pangongotong lang ang nasa isip,” ayon kay Dela Rosa.

Inihayag naman ni Chief Supt. Oscar Albayalde, director ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), na alternatibo nila sa pagbaklas sa checkpoints ang pagpapakalat ng mobile patrols, police visibility at beat patrols.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

“Kahit na walang checkpoints ay maaari pa rin namang sitahin ng police patrols ang mga suspicious looking characters na makikita nila sa daan,” pahayag ni Albayalde.

Ang pagtanggal sa checkpoints ay inilutang ni Duterte matapos na magreklamo ang mga mamamayan sa Mindanao at sinabing abala lang ito at nagdudulot ng matinding trapiko.

Unang ipinatupad ang nationwide checkpoints nang magdeklara ang Pangulo ng state of national emergency, kasunod ng pambobomba sa Davao City. (Fer Taboy)