Hinikayat ng isang opisyal ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mamamayan na ipagdasal din ngayong Undas ang mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) sa bansa.

Ang apela ni Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, ay kasabay ng anunsyo na magdaraos ang mga simbahan ng mga banal na misa para sa EJK victims.

Ipinaliwanag ni Secillano na bukod sa pagdarasal para sa mga yumaong mahal sa buhay, obligasyon ng bawat Kristiyano na ipagdasal ang kanilang kapwang sumakabilang-buhay na.

Higit aniyang dapat na alayan ng panalangin at ihingi ng kapatawaran ng mga mamamayan ang mga kasalanan ng mga kaluluwa ng mga taong pinatay o nasawi sa marahas na pamamaraan dahil hindi sila naging handa sa kanilang kamatayan.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Matatandaang dumami ang bilang ng drug suspects na pinapatay ng mga hindi kilalang salarin, na sinasabing mga vigilante, simula nang paigtingin ng pamahalaan ang kampanya kontra sa malalang problema ng bansa sa ilegal na droga.

(Mary Ann Santiago)