GUIMBA, Nueva Ecija - Dahil sa labis na pagkalango sa alak, nalunod ang isang 50-anyos na lalaki nang tangkain niyang mangisda sa isang fishpond sa Barangay Baxayao sa bayang ito, nitong Sabado.
Kinilala ng Guimba Police ang natagpuang bangkay na kay Joselito Cabral, binata, residente ng Bgy. Camiling.
Nakalutang nang natagpuan si Cabral ng mismong may-ari ng fishpond na si Jesus Cristobal, ng Bgy. Bacayao.
Sa imbestigasyon ni PO1 Angelito Arellano, bago nagtangkang mangisda ay nakipag-inuman muna si Cabral sa ilang kaibigan sa Bgy. Macatcatuit at pagkatapos ay tumuloy sa palaisdaan. (Light A. Nolasco)