Sinabi ng isang obispo ng Katoliko na ang malakas na lindol na tumama sa Italy ay isang paalala na hindi natin kontrolado ang lahat.

Sa isang panayam, sinabi ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na ang mga kalamidad gaya ng lindol ay nagpapaalala sa tao na "we are not in complete control of everything."

"These are occasions to care for others, to seek God's guidance and mercy," aniya.

"There is a God who is with us and loves us," dagdag pa ni Ongtioco.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

At dahil ang mga sakuna ay likas na bahagi ng buhay, sinabi niya na ang higit na mahalaga ay kung paano ito hinaharap ng tao.

Sa kanyang panig, hiniling ni retired Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, na ang diocese ay kabilang sa mga tinamaan ng malakas na lindol noong 2013, sa mga mananampalataya na ipagdasal ang mga tao sa Italy sa panahong ito.

"Italy is again experiencing the natural upheaval of our Earth, a calamity that is bound to happen due to natural and geological causes," aniya, sa isang hiwalay na panayam.

"Let us pray for them and help them in the way we can," dagdag ni Medroso.

Nitong Linggo, niyanig ng 6.6-magnitude na lindol ang Marche at Umbria sa central Italy na sinasabing pinakamalakas na tumama sa bansa. Ang 6.2 lindol noong Agosto ay pumatay ng halos 300 katao sa central region.

Ang huli sa malalakas na lindol na tumama sa central Italy nitong mga nakalipas na linggo ay nagdulot ng pinsala sa libu-libong mamamayan at sumira sa ilang gusali at simbahan, kabilang na ang Basilica of St. Benedict.

(Leslie Ann G. Aquino)