Tulad ni coach Tim Cone, naging practical si NLEX coach Yeng Guiao sa naging pagpili ng kanilang mga draftees sa katatapos na PBA Annual Rookie Draft na ginanap nitong Linggo sa Robinson’s Place sa Ermita,Manila.

Ayon kay Guiao, kahit pa batid ng lahat na napakaraming mahuhusay na guard partikular sa hanay ng Gilas Cadets, sa pangunguna ni Jiovani Jalalon, mas ginusto niyang kunin ang dating Ateneo center na si Alfonso Gotladera dahil mas kailangan aniya ng big man.

“Alam naman natin sa loaded ng napakaraming mga talented pointguards yung Gilas cadets especially si Jiovani Jalalon, but I choose to pick Gotaldera kasi we need a big man,” pahayag ni Guiao.

”Hindi na bumabata si Asi (Taulava) ganun din si Enrico (Villanueva) , although si Fonso, hindi naman siya makakapag-deliver right away, but in time madi-develop din namin siya.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon kay Guiao, gusto niyang matulad si Gotaldera sa ‘extra rice’ power ni Bue Belga sa iniwang Rain or Shine.

Kung ano aniya ang sistema na ginawa nya sa Elasto Painters ay ganun din ang gagawin nya sa NLEX kung saan gusto niyang mapalalim ng husto ang kanyang rotation.

Kung si Jalalon ang kanyang kinuha, magiging unfair umano ito sa mga beteranong backcourt ng NLEX na kinabibilangan nina Jonas Villanueva,Carlo Lastimosa, Garvo Lanete at Kevin Alas.

Para naman sa kanilang regular draft pick na si Reden Celda, naniniwala si Guiao na mayroon itong magiging role sa koponan na inaasahan niyang mas aangat ang performance ngayong season at mas magiging palaban. (Marivic Awitan)