Matapos ang mahabang taong pagiging TNT sa sariling bayan, inaasahang matatahimik na ang kalooban ni dating basketball official Graham Lim, ngayong naresolba na ang kasong pilit na idinidikit sa kanya.

Isiniwalat ng isang opisyal na malapit kay Lim ang nakatakdang pagbabalik bayan ni Lim sa tulong nang mga kaibigan na matiyagang nakipaglaban sa kanyang kaso sa Pilipinas.

Matatandaang, ipinatapon sa ibang bansa si Lim ng Bureau of Immigration (BID) bunsod ng impluwensiya ni dating Presidential Uncle at Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

“His friends wants him back here, for this is where he really belongs,” sabi ng source na tumangging pangalanan.

Iginiit ni Cojuangco na hindi Pinoy si Lim sa kabila ng mga dokumentong ipinakita nito gayundin ang pagkakaroon ng pamilyang Pilipino.

“He will be arriving soon,” sabi lamang ng source ukol kay Lim na nagpapalipat-lipat sa Singapore at Malaysia. “As of now, we don’t know more details but he will be back.” (Angie Oredo)