derrick-copy-copy

KINABAHAN si Derrick Monasterio nang malaman niya ang bagong role na gagampanan niya sa extraordinary story ni Nonoy, ang jeepney driver na nagiging superhero dahil sa misteryosong object na nakuha niya mula sa distant planet.

“Pero nang malaman ko na comedy adventure ang story ng isang jeepney driver, who turns into a superhero, I’m very grateful po sa GMA-7 for entrusting me the role of Nonoy,” sabi ni Derrick.  

“It is my first time to portray a role like this na isang superhero. Kinakabahan po ako but at the same time, nakaka-challenge din kaya excited ako, mas pagbubutihin ko ang trabaho ko. Nakaka-flatter din po kasi ako ang pinili ng GMA to portray the role. Kaya gumagawa din ako ng sarili kong research para sa character ko,” dagdag niya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Siyempre pa, ang journey ni Nonoy ay magiging interesting dahil madi-develop ang feelings niya for Eva, played by Bea Binene, isang barker sa pondohan ng mga jeep sa kalye na irritating pero kung minsan ay endearing din naman ang mga ginagawa sa kanya.

No problem sina Bea at Derrick dahil comfortable na silang magkasama, katatapos lang nilang magtambal sa isa ring afternoon prime ng GMA-7.

Excited din si Derrick na first time niyang makakasama si Gabby Concepcion na gaganapan namang ninong niyang pulis, si Sgt. Cruz, at half-blind naman ang kanyang inang si Alma Moreno. Kasama rin nila si Albert “Betong” Sumaya, Philip Lazaro as Mang Pedi, owner ng karinderia na madalas tambayan ni Nonoy, ang alien na si Migs Cuaderno na nagbigay ng power kay Nonoy, at marami pang iba.

Ang Tsuperhero ay original concept ni Michael V, mula sa direksiyon ni LA Madridejos, at mapapanood na ngayong November sa GMA Sunday Grande. Siguradong ibang klaseng viewing experience na naman ang ihahatid ng GMA Network sa kanilang loyal Kapuso viewers. (NORA CALDERON)