Walang babaguhin at sa halip ay magdadagdag lamang ng lakas sa sistemang naiwan ni dating coach Yeng Guiao ang koponan ng Rain or Shine.

Ito ang ipinahayag ni coach Caloy Garcia, ang dating deputy ni Guiao na siyang nagmana sa iniwan niyang puwesto.

“Wala naman kaming babaguhin, meron lang sigurong konting idadagdag pero same system pa rin kung anong iniwan ni coach Yeng itutuloy lang namin,” pahayag ni Garcia.

At sa nasabing sistema, nakikita ni Garcia na akma ang nag-iisang draft pick na si Mike Tolomia na inaasahan nilang magiging kapalit ng dating ace guard na si Paul Lee.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Matagal ko na siyang nakikita maglaro kasi nakakalaban naming siya sa D League. I think he’s fit for the role kasi he’s a good facilitator,” pahayag ni Garcia patungkol sa Gilas Cadet at miyembro ng 2015 Far Eastern University champion team.

“The thing with Mike Tolomia is we want him to take the place of Paul Lee, we’re in the same lineup with last year.

Masaya naman kami,” aniya.

Bagama’t mahirap mapunan ang naiwang puwang ni Lee, naniniwala si Garcia na unti- unti nila itong matatagumpayan sa kalibre ni Tolomia.

“I think we run simple plays and we allow him to create,” pahayag ni Garcia.

“When he played in Phoenix [D-League] and FEU, yun ang nakikita ko sa kanya, madali siya mag-pick up ng play and I think he’s fit with our style of play.” (Marivic Awitan)