CANBERRA (Reuters) – Pinag-iisipan ng Australia ang joint naval patrols kasama ang Indonesia sa pinagtatalunang South China Sea, inihayag ni Australian Foreign Minister Julie Bishop nitong Martes.

Sinabi ni Bishop na ang hiling ng Indonesia na joint patrols sa bilateral meeting sa Bali noong nakaraang linggo ay “consistent with our policies of exercising our right of freedom of navigation.”

Idiniin ni Bishop na ipapaalam ng Australia at Indonesia sa ibang bansa sa rehiyon ang anumang planong exercise.

“This is a regular part of what our navy does. This is part of our engagement in the region and this is in accordance with Australia’s right of freedom of navigation including in the South China Sea,” sabi ni Bishop sa Australian Broadcasting Corp radio.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'