Mag-isa na sasabak si Grandmaster Joey Antonio sa 26th World Senior Chess Chess Championships (50+ and 65+ Open-men and women) 2016 sa Marianske Lazne, West Bohemia, Czech Republic sa Nobyembre 18-Disyembre 1.
“GM Torre was invited to a big tournament in Turkey, of which the dates diretly affected the schedule of the 26thAsian Seniors,” sabi ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Executive Director at Grandmaster Jayson Gonzales.
“Mas maganda sana dalawa sila but GM Torre opted to choose to play in Turkey.”
Sariwa pa sa board three bronze medal-finish sa nakaraang 42nd Chess Olympiad 2016 sa Baku, Azerbaijan, si Torre na hangad makapag-uwi muli ng karangalan sa bansa bago matapos ang taon.
Ang 54-anyos mula Calapan City na si Antonio ay makikipagpigaan ng isip sa Open-men 50-above habang sasalang sana si Torre na magdiriwang ng kanyang 65th birthday sa Nob. 4 sa Open-men’s division 65 years-old and over category.
Walang pambato ang NCFP sa dalawang kategorya para sa kababaihan ng 11-round Swiss system tournament na gaganapin sa tatlong magkakalapit na hotels sa nasabing lungsod.
Nakataya ang outright GM title para sa mga players na wala nang nasabing titulo bukod pa sa trophy, gold at cash prizes para sa 50+ at 65+ sa men’s champion. (Angie Oredo)