Lagi na lang inilalarawang nakakatakot ang mga patay, lalo na sa panahon ng Undas, na ayon kay Father Roy Bellen ng Archdiocese of Manila, Office of Communications, ay dapat na maituwid.
“The dead are not meant to be scary but they are meant to be prayed for. The Church is sad that we have a wrong understanding on this,” pahayag ni Bellen.
Sinabi ng pari na pinagsisikapan ng Simbahang Katoliko na iwaksi ang ‘western-influenced tradition’ na gumagamit ng mga nakahihilakbot na gimik at costumes sa panahon ng Undas. Nais ng simbahan na mag-pokus ang lahat sa mensahe ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Pero nahihirapan umano ang simbahan dahil ang nilalabanan nila ay ‘consumerism’ kung saan nananaig ang anunsyo at kalakalan na tinatangkilik naman ng taumbayan.
“Still, we hope to explain these things to the faithful. We teach them about the value of prayer, what is heaven but at the end of the day it’s a person’s choice and it’s God’s grace,” ayon kay Bellen.
Sa halip na nakakatakot na costumes, ipino-promote ng simbahan ang ‘March of Saints’ kung saan ang mga bata ay nagsusuot ng mala-santong kasuotan.
Sa ‘March of Saints’ na idinaos bago mag-All Saints’ Day, prominente ang paglalahad sa buhay ng Catholic saints.
(Leslie Ann G. Aquino)